MOVED TO RAMDAMKITA.TUMBLR.COM family, friend, love, school problems? [no financial problem allowed] you`re in the right blog! ako si rayne, isang mamamayang citizen ng Pilipinas na magbibigay tulong sa mga namomroblema. `wag ka nang magpatiwakal, `wag ka nang umiyak, `wag ka nang magalit sa mundo--MAGSABI KA NA LANG NGPROBLEMA MO SA AKIN. tutulungan kita. alam mo friend, RAMDAM KITA. kaya tell me you`re problems. :] have a problem? just fill up this FORM. <<--pindot that. rules: * no StiCkY cApS allowed * no txt lingo allowed * 2 senteces [minimum] * if you already sent a form--let me know by tagging at my cbox. i`ll be posting in my blog ang problema at ang advice ko. pwede ding tumulong ang iba sa pamamagitan ng comments. ok ba? :] ABOUT RAMDAM KITA BLOG
ang ramdam kita blog ay nag umpisa noong september 7, 2oo9. Saturday, January 9, 2010, 12:17 PM
against si mama![]() ![]() ![]() i have a boyfrend but my mother dont want me to have that relationship, i love the guy but what im going to do? lyzel. bakit daw ba ayaw? kung mahal mo talaga siya... eh di secret on? ahaha. mahirap pero kung mahal niyo isa`t isa kakayanin niyo `yun. at dapat galingan mo pag aaral mo para walang masabi mama kung malaman man niya. atleast aprang inspiration. `yung ganun :> Labels: love Thursday, December 31, 2009, 4:20 PM
paano ka magmahal?Rayne! Wag na wag mo ako papangalanan dito. Hahaha! Gusto ko itry ang RAMDAM KITA eh. Pers time ko toh eh. Ano ba pwede ko itanong? Oh well, sa nakikita mo namang tag ay about sa pag-ibig. To start of. EHEM. Haha. Eto.. ako. unang una. nagulat ako kasi may nakakaalala pa din pala dito sa ramdam kita. kinilig tuloy ako bigla. :> paano ako magmahal? sa totoo lang, hindi ako marunong. haha. lol. mapride kasi akong tao kaya parang ang hirap para sa akin na nagmahal na nga talaga ako. ganun, pag nagmahal ako--humihina ako. lol. kung dati dati sinasabi ko (ang hina niyo naman nagmamahal pa kasi e) ngayon parang nalaman ko na din na mahirap pala talaga magmahal. hahaha. puro heartaches pero minsan masaya kasi parang nakakatuwang maramdaman na may nagmamahal sa`yo. `yung ganun ba. teka. ano ba `yung gusto mong marinig sa iba? baka ikaw na dapat `yung mag sagot sa sarili mo n`yan. di ba? dun sa tamang panahon, tamang lugar at tamang tao. kasi ganito `yan. tamang panahon.. minsan kasi di ba `yung isang tao hindi pwede magkaroon ng kahit na anong commitment. kunwari may bf/gf `yung iba. di ba? wala sa tamang panahon? sa tamang lugar, kasi long distance relationship. `yung mga ganun ba. tapos kung wala na `yung tamang tao kahit na andyan na ang tamang panahon at lugar, ibig sabihin.. hindi siya ang tamang tao. :] Labels: love Tuesday, December 22, 2009, 10:36 AM
pa ba?wow. antagal ko na palang hindi nakakapaglabas ng sama ng loob sa ramdamkita. HAHA. just get prepared 'cause this will be Looooooooong. hehehe. oh well... here goes. hehe. tots. ngayon ko lang napansin. kayong apat na magbebesprens. P, K, S, and you. puro tatlong letters. HAHAHA. nakakatuwa :D so anyways... malay mo. kaya niya ginawa `yun e para naman wala nang ilangan. pwede din naman maging magkaibigan ang ex lovers di ba? hindi naman masama `yun di ba? kaya ka niya siguro tinignan ng ganun, `yung parang nang aasar para sabihin sa`yo na. "ok na ba tayo? bati na?" `yung ganun. para sa akin `yun ang pinapahiwatig niya sa tingin niyang `yun. bakit hindi mo siya kausapin? or itext? kasi base on my experience kuno. nagkaroon kami ng communication ng pers love ko. tapos nalaman ko na lang na, wala na pala akong nararamdaman sa kanya. `yung parang pwede ko na siyang biruin and such. dahil sa malapit na kami, siguro prens nga kami. ewan ko lang ah. `wag mo kasi iwasan tots, tulad ng mga movie na horror. di ba kapag may nagpaparamdam, `yung bida nilalapitan pa lalo para makita or marinig? `yung ganun. dapat maging matapang ka kahit na alam mong nakakatakot. gawin mong director ng buhay mo ang sarili mo, `yun lang :] Labels: love Saturday, December 12, 2009, 3:38 PM
magmahal ng kaibiganAte, yan. oo naman, pwedeng pwede. `yun nga lang, sa pag mamahal sa kaibigan mo nang mas higher level, pwede kang masaktan kasi kahit konting ngiti lang ng kaibigan mong `yun,bibigyan mo ng meaning. at kapag nalaman mo na iba ang gusto niya, sobra kang masasaktan. pero pwede mong mahalin, walang pipigil sa`yo pero kailangan lang mag ingat :] Labels: love Tuesday, December 1, 2009, 7:04 PM
bestfriend o hindi?Ate. May isang guy dati crush niya ako (alam ko iyon kasi sinabi niya iyon sa akin.) tapos ngayon boy friend na siya ng friend ko... One time.. Nung wala iyong girl sa classroom namin, tumabi siya sa akin. Tapos tinanong niya ako kung pwede daw niya akong maging best friend.. sabi ko hindi. Ilang bese niya tinatanong sa akin iyon. Lagi niya akong kinakausap kung wala iyong girl sa classroom. Next week, aalis iyong girl para mag-bakasyon.. so, sa tingin mo dapat ko siyang iwasan? Help. Thank you po. yan. hello!! namiss kita ah. HAHAHA. hmm. para sa akin, it depends. kasi malay mo friendship lang talaga ang gusto niya. `wag ka namang maging masungit. HAHA. pero kung sa tingin mo e parang umaabuso na `yung si lalake, eh di iwasan mo na lang. basta ba keep your feelings. `wag mong hayaang mafall or what ka dun sa lalake kasi nga friend mo `yung gf. :] Labels: love Wednesday, November 11, 2009, 9:58 PM
asawa kodear ate rayne, angel. unang una.. `wag kang mag ate sa akin. ano ka baaa~ kaka16 ko lang ngayon ee. HAHAHA. tapos ayun... bakit ka babalik sa lalaking ayaw naman na ata sa`yo? ikaw na nagsabi na parang may nililigawan na siyang iba. kung mahal ka talaga nung asawa mo, hindi siya manliligaw sa ibang babae. tska... mag asawa kayo? ibig sabihin may kasal na naganap? ganun ba? may anak ba? or what? kung wala... magpakasaya ka. 16 ka pa lang. bata ka pa. marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. maging busy ka para makalimutan mo ng kaunti `yung nararamdaman mo para sa asawa mo. maraming nanliligaw sa`yo? bakit hindi mo piliin `yung lalaking sa tingin mo ay hindi ka babastusin. at paano mo naman nasabi na kaladkarin ka? dahil may asawa ka? `wag kang mag isip ng ganyan, bumababa kasi ang self esteem mo kapag ganun. dapat, sa mga oras na `to na wala kang karamay. tatagan mo ang loob mo, at kung magkita man kayo ng asawa mo. ipakita mo na kaya mo, na matatag ka at malakas na kaya mong mabuhay ng wala siya sa tabi mo. bata ka pa, marami pang pwedeng gawin. `wag mong ipaikot ang mundo mo sa lalaking ayaw na sa`yo :] Labels: love , 9:45 PM
takot dahil sa nakalipas...dear ate rayne, majores. para sa akin, kahit na mahal mo pa si bf, marami naman nang nanliligaw sa`yo di ba? ibig sabihin, marami ang nagkakagusto sa`yo. pwede ka pang mamili kung sino ang gusto mo. `wag kang matakot dahil sa hindi ka na virgin... `wag ka matakot na wala nang mag seseryoso sa`yo dahil nga sa nakaraan niyo ni ex. dahil kung gusto ka talaga ng manliligaw mo at mahal ka niya, handa niyang tanggapin kung ano man ang nakalipas mo. siguro nga ay mashoshock `yung pwedeng sagutin mo, pero tatanggapin niya `yun kung mahal ka talaga niya. kaya no worries. dun ka sa lalaking kayang tanggapin kung ano man nakalipas mo with your bf. `wag kang magpakamartyr sa bf mo. kailangan mo din namang sumaya di ba? :] Labels: love Tuesday, November 10, 2009, 7:11 PM
takas na pag ibig?nagmamahalan po kmi ng bf ko,pro wala po akong time pra mkipagkita sa knya dhil ndi ako pnapayagan ng ate ko nkikitira lng kc ako dito at ayw nya sa bf ko.at pnapauwi na poh ako ng parents ko sa province nmin dhil takot cla bka mag asawa na ako !! pro gusto ng bf ko na tumakas ako dito at magsama nlang kmi dhil pag umuwi ako ndi na kmi magkikita.anu po ba ang pwd kung gawin?gusto ko po sumama sa bf ko dhil mahal ko xa,pro mhal ko rin parents ko ayw ko clang biguin sa mga pangarap nla sakin !!at ngayon poh nag away kmi ng bf ko dhil nag silos xa sa kaibigan nya dhil plagi kung ktxt akala nya my relasyon kmi !! inutusan nya ang kaibigan nya na mkipag meet sakin at mkipag one nyt stand !! pro alam ko poh na ndi nya gustong sabihin un ndadala lng xa sa galit kya nsabi nya un ..galit po ako sa knya gusto ko na xang klimutan pro ndi ko magawa mahal ko po talaga xa !!anu po ba gagawin ko? jheralene. para sa aking opinion. ipakita mo na lang sa mga magulang mo at sa ate mo na kahit na may boyfriend ka, hindi mo pinapabayaan ang pag aaral mo. gawin mong inspirasyon, hindi disturbance ang bf mo. at huwag kang makipag tanan.. HINDI NA USO `YUN! lol. pero kidding aside, hindi tama ang pagtatanan. gusto mo bang matulad sa mga nakikita mo sa tv? naghihirap na mag asawa, walang makain at maraming anak? hindi na nakapag aral dahil sa maagang responsibilidad. mahirap ang ganun, kailangan pag isipan ang lahat ng bagay. at kung mahal ka talaga ni bf, kahit na malayo `yan. kaya ka niyang hintayin. hindi `yung gusto niyang magsama na kayo ngayon ora mismo. ang tanong e, kaya na niya bang buhayin ka? kaya ba niyang buhayin kayong dalawa? kaya ba niyang pag aralin ka? kaya ba niyang ibigay sa`yo pangangailangan mo? `yun dapat ang isipin bago ka sumama... kung oo lahat ng sagot mo. eh di ok, pero kung isa man sa mga tanong na `yan ay hindi ang sagot mo. `wag na lang. masasayang lang kasi ang buhay mo. ayun :] Labels: love Monday, October 26, 2009, 2:44 PM
konsensyaHello, hello. Gusto kolang po tanungin, anong gagawin mo kung iyong crush mo na friend mo.. may gusto sa isang girl na may boyfriend na.. and worst is. May crush rin sa kanya iyong girl. Nakakainis. Kasi iyong boypren niya taga-kabolang section. Tapos kapag wala iyong boypren niya nakikipag-uspa siya sa boy. Tapos nung isang araw nakita ko silang nag-hoholding hands. SHeeesh. Paano po ba iyon? Thanx. yan. aba. ibang usapan na `yan ah. friend mo naman si girl di ba? bakit hindi mo sabihin sa kanya `yun. ikonsensya mo siya. kunwari.. "oi (name), kapag nakita mo ba na may kaholding hands si (name ni boypren) na gusto niya, ano mafifeel mo?" pag nagexplain siya blah blah ng kung anu anong mafifeel niya. sabihin mo "sa tingin mo ba, hindi ganyan nafifeel ni (name ni bf)?" GANUN! hahaha. patigilin mo na siya. ano ba `yan. hindi kasi tama `yun e. nangangaliwa. tsk. pagsabihan mo para maayos na :] Thursday, October 22, 2009, 5:54 PM
ldrmay boyfriend ko.nasa manila siya.well,bale,long distance relationship kami.xempre,hnd ko alam kung anu ginagawa nea dun,sino kasama nea..maiinintdihan ko naman siya kaze may trust ako sa kanya.pero ang ayaw ko eh hnd nea kayang umuwi dito sa ilocos kahit 1week man lng.may 1 week kaze sila na noon na wlaang klase.taz parang pinapakita niya na ayaw nea ako makita..ganun.tapos bday ko bukas.hnd na namann siya uuwi :( ..anu gagawin ko? kathlee. long distance? hmm.. ang kailangan lang ay trust nga. pagtitiwala. at dapat lagi kayong may communication. dapat lagi niyong pinag uusapan ang mga nangyari sa inyo sa isang araw. para lalong lumakas ang bond ninyong dalawa. paano mo naman nasabi na parang ayaw niya na makita ka? i`m sure naman, miss na miss ka na niya. pero siguro, dahil sa sobrang busy, hindi niya kayang umuwi d`yan sa ilocos. lalo naman na kung college na siya, sobrang busy `yun kahit pa sabihin natin na may 1 week vacation sila. hindi naman sa kinakampihan ko ang boyfriend mo pero kailangan din nating intindihin na nag aaral ang boyfriend mo. suportahan mo na lang siya sa mga gagawin niya. at don`t worry. hindi naman niya siguro malilimutan ang birthday mo. busy lang siguro siya. sabihin mo na lang sa kanya na namimiss mo na siya at kung pwede, magkita kayo pag parehas kayong maluwag ang oras. o kaya naman, sa webcam. kaya nga ginawa ang webcam para makita natin ang minamahal natin sa computer ora mismo. `yung ganun. kaya `wag kang mag alala kathlee. mahirap ang LDR pero kakayanin niyo `yan. busy lang talaga siguro. nga pala, advance happy birthday :] Labels: love Tuesday, October 20, 2009, 7:39 PM
birthday ni ex bukaseh? love problem nga ba to? lol. :D sang`gre! uh.. para sa akin.12 midnight. para ikaw `yung pinaka una. oh di ba? sosyal `yun. text mo na lang siya. alam ko namang gising ka pa sa mga panahong `yun e. di ba? basta. batiin mo siya ng maaga para matats siya sa iyong effort na maagang pag babati. oh di ba? haha Friday, October 16, 2009, 9:02 PM
crush? IIHehehe. Kasi po may ginagawa po akong story.. SO, parang guide naren. :D yan. siguro nga crush ka niya or wala lang magawa `yung kaibigan niya na `yun kaya pinagtitripan ka nila. idk. only time can tell. ang gawin mo na lang. wait. pero `wag mag assume. magkaiba ang wait sa assume. maghintay ka. wala mang mangyari or meron. don`t ever assume anything will happen. baka masaktan ka lang. just give me the latest na lang ah. feel free ka dito. haha :] Thursday, October 15, 2009, 6:49 PM
crush?paano kung may crush ka na ka-close mo.. pero may crush siyang iba na may boyfriend na? Paanu kung sinabi ng isa sa mga kaibigan niya.. gusto ka daw niya.. tapos natatakot lang ligawan ka.. anong gagawin mo? Hala. :O suki na ako dito. Sorry po wala po kasing magawa... Hehehe. Gumugulo po kasi sa isipan ko eh. Nakakainis na nga eh. Ayon po. :D yan. ahahaha. natutuwa ako. nang dahil sa`yo. nabubuhay ang ramdamkita. tenkyu :D hmmm. may crush ka na kaclose mo pero may crush siya na iba na may boyfriend na? then sabi ng isa niyang friend na may crush siya sa`yo pero natatakot daw na ligawan ka niya? `yun ba ang storya? well... let me ask you some questions... alam ba ni crush na crush ka niya? alam ba ng friends ni crush na crush ka niya? tell me reasons kung bakit siya pwedeng matakot. paano mo nalaman na may crush siya sa iba na may boyfriend na? pwede mong sagutin `yan via comment or send ka na lang ulit ng form :D for me, crush is merely a crush. wala siyang strong feeling. parang paghanga lang ito sa mga katangian ng isang tao. kunwari, maganda, gwapo, cute, matangkad, maputi o kahit ano pa mang katangian `yan. kung may crush man siya sa isang babae na may boyfriend na, walang masama dun. crush lang naman e. wala naman siguro siyang ginagawa para maghiwalay `yung dalawa di ba? kaya ok lang `yun. paano ba sinabi sa`yo ng friend ni crush na may gusto sa`yo si crush mo? pabiro or what. did you saw your crush`s reaction? ano reaction niya? para bang nahiya natuwa or what? tska... bakit naman matatakot na manligaw siya sa`yo? nangangain ka ba? hindi naman siguro di ba? hahaha. close naman kayo e. kaya hindi malabong magkamabutihan kayo.. lalo na pag parehas kayong free :] Friday, October 9, 2009, 9:44 PM
ingat.ganito kasi yun. pumupunta si bf sa bahay pag walang tao, siyempre, kami lang nakakaalam kasi patay ako sa parents ko pag nalaman nila. actually, kilala naman na siya ng parents ko eh, naipakilala ko na. private. wew. buti walang nangyari sa inyo. kundi.. ay nako. sesermunan kita no! hahaha :D basta, kung wala namang nangyari sa inyo. ipaglaban mo `yun. kasi `yun naman `yung totoo di ba? Ibalik mo na lang ang tiwala ng mga magulang mo sa`yo. siguro ay lumayo ka na muna ng kaunting kaunti sa boyfriend mo. `yung ganun ba. tska at the first place, dapat hindi ka nakipag inuman sa kanya. alam mo naman na pwedeng mangyari ang mga bagay na pwedeng mangyari. di ba? sa susunod, sana hindi na maulit `yun. ahaha. kunwari ako nanay mo :D kung ayaw mo makipag break, ok lang naman `yun e. basta ba ingatan mo na sarili mo. kasi pag sisihan mo din sa huli `yan. ilang taon ka na ba? gawin mo na lang ang lahat ng gusto mong gawin kapag stable na kayo parehas ng partner mo sa buhay. para walang hirap. `wag tayong sumali sa mga kabataan na may anak kaagad. ang payo ko. mag ingat na lang. `wag sana `yung mauulit kasi.. mahirap na. :] Labels: love Monday, October 5, 2009, 9:25 PM
gusto ko pero ayoko.bakit ganun tots? tots. ano ba `yang kahinaan na `yan? haha. pers op all. i`m so toooooooouched dahil.. alam mo na. haha. ayun, kahit na di ko masyadong gets ang mga bagay bagay, sa tingin ko ay namimiss mo lang ang magkaroon ng partner. nakakamiss naman kasi talaga ang feeling na may nag aalaga sa`yo, nagpapakilig sa`yo everytime. parang ako, aaminin ko na namimiss ko ang mga kilig moments at unexpected moments pero ayun, hanggang miss na lang ako kasi alam kong hindi na babalik. bakit naman ayaw mong mainlab sa taong `yun. give me a story tots :D Labels: love Wednesday, September 30, 2009, 7:20 PM
simple.Okay lang po. Hehe. Naintindihan ko po.. kasi po kay ondoy. Hehe. So iyon nga, iniiwasan ko na siya. As in. Classmates kami, pero hindi kami nag-uusap... kasi iyong girlfrind nya nasa kabilang side ng seatmate ko ngayon. (nilipat kasi.) Tapos siya ay malapit sa amin. Mahirap na kasi baka mapansin nung girl. yan. depende siguro. kung siya na `yung lumalayo, layuan mo na din. just go with the flow. ok lang `yan. pag kinausap ka, kausapin mo din. ganun lang kasimple. :] Labels: love , 5:27 PM
nagkwento ako.medyo overrated na ang problem na ito. tots. hmm.. sa nakikita ko/nababasa ko. masyadong affected si Kim sa break up nilang dalawa ni Ezekiel. and to think na 2 weeks na silang break nung tao, parang hanggang ngayon ay nasa after shock pa din siya. Kung ako man ang bespren niya, parehas tayo ng pwedeng gawin. ang samahan na lang siya. kasi nga, sabi mo nga. hindi siya nakikinig sa`yo. may kakilala ako na ganyan ang pangyayari. well, hindi naman talaga pangyayari but kaugali ng bespren mo. let`s call her Aks. kaschoolmate ko siya at hindi ko naman siya kaclose. pero friend siya ng iba kong friends. kilala ko siya dahil naging kaklase ko siya nunng 2nd year at dahil sa kanyang boyfriend--which is a lesbian. nagkaroon ng pangyayari nung 2nd year kami. nag away sila ng kanyang so called-boyfriend. and know what she did? muntikan na siyang magpakamatay! one time, pumasok siya ng school na punong puno nang laslas `yung wrist niya. at may hawak siya na cutter, `yung talim, nakatutok sa wrist niya. idk but i think she`s out of her mind that time. walang magawa ang mga friends niya. naging usapin sila at pati teachers, kumausap sa kaniya. ewan ko kung paano siya tumino ulit, alam ko nga nag absent pa siya ng 1 week. then, ngayong 4th year na. may nangyari na naman sa kanilang dalawa. `yung boyfriend niya--parang niloloko na siya. as in parang nagsasawa na sa kanya. ikaw ba naman, sila na nung grade 6 pa kami. tapos may balita pa daw na may bago na `yung boyfriend. and i was one of the witnesses ng break up nila. Nasa CR ako nun. ewan ko kung bakit pero nasa CR lang ako. andun silang dalawa. parng badtrip na badtrip. BFniAKS: hoi Aks, break na tayo and then, umalis na siya ng CR. napatingin ako kay aks nun, looking for an emotion. ayun, parang naramdaman ko `yung sakit na naramdaman niya. all i know is, pinipigilan niya `yung luha niya. naawa ako sa kanya, to think na hindi naman kagwapuhan na lesbian `yung boyfriend niya. isa pa sa mga nawitness ko, `yung BABAENG kabit ni lesbi. nasa CR ako nun at nakita ko `yung babae sa isang cubicle. then, nalingat lang ako. nakita ko na si Lesbi sa tabi ni babae. YOU KNOW WHAT I MEAN? kakatapos lang kasi ng subject namin before maglunch. tinanong pa nga ako ni lesbi kung andun pa `yung teacher nila sa klasrum nila. and i was like 'anong ginagawa nila sa cubicle?' `yun talaga ang una kong naisip. kasi may balita din na nag ano daw sila nung babaeng `yun. as in mas malala sa kissing. alam mo naman `yung ginagawa ng tibo at babae di ba? basta ganun. kumalat `yung balitang `yun. hindi pa ata alam ni Aks, kasi syempre, masasaktan siya. `yung close kong friend ay kabarkada si Aks dati at gusto na nilang sabihin. kaya nung recess namin, kinausap nila si aks. and told her everything about what her boyfriend is doing at her back. nakita kong umiyak si aks nun pero sabi ng kaibigan ko "AYAW TALAGA NIYANG MAKINIG SA AMIN" ngayon, parang nagbalikan si lesbi at aks. she never learned. ilang beses na siyang niloko ng boyfriend niya `yun. para na siyang nababaliw. naaawa na tuloy ako sa kanya. ehem. parang nawala ata `yung topic? haha. ayun, ang point ko dito.. sana hindi siya matulad kay AKS na muntikan nang magpakamatay dahil lang sa lalake/boyfriend. kailangan niya ng kalinga ng kaibigan and kailangan ka niya. dun sa moving on, paki sabi sa kanya na hindi naman lahat natatapos sa ganyan. parang ako dati, almost 2 weeks akong may sipon kakaiyak dahil sa lalakeng para sa akin ay hindi naman pala ganun ka worth it. oo, namimiss ko siya pero di ba. we need to move on, lalo na`t bata pa naman tayo. kumain siya ng chocolate, baka gumaan `yung loob niya. sabi nga ni patrick star.daw. "if you think it`s the end and you`re not happy, don`t worry, it`s still not the end" `wag mo na lang siyang pabayaan. `wag mong hayaan na maisipan niya `yung tulad nung kay aks. sayang kasi ang buhay para magmukmok lang. :]
Monday, September 28, 2009, 3:57 PM
my friend and her boyAte! eto na naman ang problemado sa love.Hahaha. wala lang. Gusto ko lang sana itanong kung anong gagawi mo kung iyong friend mo na pala at iyong boy na love mo? (the same girl and boy from dati) Haaay! dapat masaya ako para sa kanila... pero ang hirap talaga eh. Lalo na at ako iyong kinakausap nung lalaki... and he calls me "enemy". Hehe. Kasi lagi daw kami nag-aaway. pero joke2 lang iyon. Haaay! Sana po naintindihan nyo po ako. Thank you. yan. aww. mahirap nga `yan. kung ako `yun.. baka lumayo na lang ako. kasi baka kung lumapit pa ako kay boy, mafall pa ako lalo. kailangan kasi pigilan ang feeling lalo na`t friend mo ang girlfriend. sorry sa napaka tagal na reply :] Labels: love Wednesday, September 23, 2009, 8:05 PM
spell b-o-y-f-r-i-e-n-dhay....ang hirap spellengin ng bf ko! paleng ngaaway! diko alm kung anu cnu my diperenxa smeng dalawa! angelique. isa lang ang masasabi ko. WALA SIYANG KATIWA TIWALA SA`YO. ayain mo siyang mag usap kayo ng masinsinan. itanong niyo sa isa`t isa ang mga pagkukulang niyo. mahinahon na pag uusap ha? kailangan kasi ang trust at understanding sa isang relasyon. ilang months na ba kayo? tska `wag mo siyang bigyan ng dahilan para magselos o para mag away kayo. pag usapan ang lahat ng bagay dahil ang communication ang mag bibigay daan sa mahabang relasyon. pag uusap lang naman talaga ang solusyon d`yan. at sabihin mo sa kanya na `wag siyang mainsecure sa iba dahil siya lang ang para sa`yo. bolahin mo. haha :] Labels: love , 7:51 PM
chatmate and seatmateHello poh! thank you po sa advice. Mas lumala po ata. Uhmm, hindi po ito connected with the same boy. But, with the friends of the boy. Nag-overnight po kasi sila sa bahay ng classmate ko. And ka-chat ko *let's call him chatmate*ung isang friend ni boy. Sabi ni chatmate saken may gusto daw ung isa nilang friend sakin (let's call the guy seatmate). So ganito si boy friends nya c chatmate at seatmate (pra di po kau maguluhan). Sabi po ni chatmate.. kunwari xa daw c seatmate at cnabi nya sakin na mahal nya ako.. ano daw gagawin ko. di ko na lang pinansin ksi feeling ko pnag-tritripan lng nila ako. :| Ang problema is.. Ung one of the closest friend ko niloloko ko kay seatmate. for one moment, parang gusto kong maging masaya kasi baka magselos si boy. pero baka rin hindi.. at mas malala baka pinagtritripan lng nila ako. Hindi ko po alam kung cnabi ni chatmate kay seatmate ung tungkol sa chat namen. Ang labo po talaga ng situation ko. lalong gumulo. pls. help me. sn! yan. nagthankyou ka tapos lumala? hahaha :D adik. nung una kong binasa ko. parang ang nasabi ko lang sa isip ko ay "HA?" pero pangalawang beses na pagbabasa ko. ayun. nagets ko na din. haha :D hmm. ayun. para sa akin.. siguro nga parang `wag na lang muna tayo mag expect. kasi kung gusto ko talaga ni chatmate or/and seatmate. gagawa sila ng paraan para mapalapit sa`yo or para bang magpapahiwatig or para mas ok, sasabihin na gusto ka nila/niya. para dun sa pagselosin? masaya `yun gawin kapag medyo ramdam mo na magseselos siya pero once na nakita mong hindi siya nagseselos. sure na ikaw ay masasaktan. kaibiganin mo na lang silang tatlo para walang away. malay mo, may malaman ka pa sa kanila na dapat mong malaman. ok ba? :] Labels: love |