medyo overrated na ang problem na ito.
but i thought of sharing it to you. baka sakaling may advice kang masabing lubos na makakatulong sa problema namin sa kaibigan namin. hehe.
tungkol ito kay KIM.
nagbreak sila 2 weeks ago ni ezekiel.
di ko maintindihan problema nilang dalawa at yung reason ng break up nila.
pero naiinis na kasi ako kay Kim. hehe.
she's too much into it. hehe. halos di na siya kumakain dahil lang dun. we tried to talk her about it pero siya kasi yung tipo ng taong hindi basta basta nakikinig. may perspective siya at yun lang ang nakikita niya.
fine. we get it. hehe. kaya lang nakakaworry na siya.
sa ngayon, ang ginagawa ko bilang bespren niya e bukod sa sinasamahan siya... hindi na ko nagsasalita ng against sa perspective niya. hinahayaan ko na lang siya. baka sakaling ma-awaken na siya ng biglang pagbaba niya sa top.
so ayun.shinare ko lang.hehe.
para hindi puro love problems. hehehe.
tots.
hmm.. sa nakikita ko/nababasa ko. masyadong affected si Kim sa break up nilang dalawa ni Ezekiel. and to think na 2 weeks na silang break nung tao, parang hanggang ngayon ay nasa after shock pa din siya.
Kung ako man ang bespren niya, parehas tayo ng pwedeng gawin. ang samahan na lang siya. kasi nga, sabi mo nga. hindi siya nakikinig sa`yo.
may kakilala ako na ganyan ang pangyayari. well, hindi naman talaga pangyayari but kaugali ng bespren mo.
let`s call her Aks. kaschoolmate ko siya at hindi ko naman siya kaclose. pero friend siya ng iba kong friends. kilala ko siya dahil naging kaklase ko siya nunng 2nd year at dahil sa kanyang boyfriend--which is a lesbian.
nagkaroon ng pangyayari nung 2nd year kami. nag away sila ng kanyang so called-boyfriend. and know what she did? muntikan na siyang magpakamatay! one time, pumasok siya ng school na punong puno nang laslas `yung wrist niya. at may hawak siya na cutter, `yung talim, nakatutok sa wrist niya. idk but i think she`s out of her mind that time. walang magawa ang mga friends niya. naging usapin sila at pati teachers, kumausap sa kaniya. ewan ko kung paano siya tumino ulit, alam ko nga nag absent pa siya ng 1 week.
then, ngayong 4th year na. may nangyari na naman sa kanilang dalawa. `yung boyfriend niya--parang niloloko na siya. as in parang nagsasawa na sa kanya. ikaw ba naman, sila na nung grade 6 pa kami. tapos may balita pa daw na may bago na `yung boyfriend. and i was one of the witnesses ng break up nila.
Nasa CR ako nun. ewan ko kung bakit pero nasa CR lang ako. andun silang dalawa. parng badtrip na badtrip.
BFniAKS: hoi Aks, break na tayo
and then, umalis na siya ng CR.
napatingin ako kay aks nun, looking for an emotion. ayun, parang naramdaman ko `yung sakit na naramdaman niya. all i know is, pinipigilan niya `yung luha niya. naawa ako sa kanya, to think na hindi naman kagwapuhan na lesbian `yung boyfriend niya.
isa pa sa mga nawitness ko, `yung BABAENG kabit ni lesbi. nasa CR ako nun at nakita ko `yung babae sa isang cubicle. then, nalingat lang ako. nakita ko na si Lesbi sa tabi ni babae. YOU KNOW WHAT I MEAN? kakatapos lang kasi ng subject namin before maglunch.
tinanong pa nga ako ni lesbi kung andun pa `yung teacher nila sa klasrum nila. and i was like
'anong ginagawa nila sa cubicle?' `yun talaga ang una kong naisip. kasi may balita din na nag ano daw sila nung babaeng `yun. as in mas malala sa kissing. alam mo naman `yung ginagawa ng tibo at babae di ba? basta ganun.
kumalat `yung balitang `yun. hindi pa ata alam ni Aks, kasi syempre, masasaktan siya. `yung close kong friend ay kabarkada si Aks dati at gusto na nilang sabihin. kaya nung recess namin, kinausap nila si aks. and told her everything about what her boyfriend is doing at her back. nakita kong umiyak si aks nun pero sabi ng kaibigan ko "AYAW TALAGA NIYANG MAKINIG SA AMIN"
ngayon, parang nagbalikan si lesbi at aks. she never learned. ilang beses na siyang niloko ng boyfriend niya `yun. para na siyang nababaliw. naaawa na tuloy ako sa kanya.
ehem. parang nawala ata `yung topic? haha. ayun, ang point ko dito.. sana hindi siya matulad kay AKS na muntikan nang magpakamatay dahil lang sa lalake/boyfriend. kailangan niya ng kalinga ng kaibigan and kailangan ka niya.
dun sa moving on, paki sabi sa kanya na hindi naman lahat natatapos sa ganyan. parang ako dati, almost 2 weeks akong may sipon kakaiyak dahil sa lalakeng para sa akin ay hindi naman pala ganun ka worth it. oo, namimiss ko siya pero di ba. we need to move on, lalo na`t bata pa naman tayo. kumain siya ng chocolate, baka gumaan `yung loob niya.
sabi nga ni patrick star.
daw."if you think it`s the end and you`re not happy,
don`t worry, it`s still not the end"
`wag mo na lang siyang pabayaan. `wag mong hayaan na maisipan niya `yung tulad nung kay aks. sayang kasi ang buhay para magmukmok lang. :]
Labels: friends, love
Click for C2mment[s].
balik sa taas
Tagboard
want some help? talk to me. :]