MOVED TO RAMDAMKITA.TUMBLR.COM
may problema ka ba?
family, friend, love, school problems? [no financial problem allowed]
you`re in the right blog!
ako si rayne, isang mamamayang citizen ng Pilipinas na magbibigay tulong sa mga namomroblema.
`wag ka nang magpatiwakal, `wag ka nang umiyak, `wag ka nang magalit sa mundo--MAGSABI KA NA LANG NGPROBLEMA MO SA AKIN. tutulungan kita.
alam mo friend, RAMDAM KITA. kaya tell me you`re problems. :]
have a problem?
just fill up this FORM. <<--pindot that.
rules:
* no StiCkY cApS allowed
* no txt lingo allowed
* 2 senteces [minimum]
* if you already sent a form--let me know by tagging at my cbox.
i`ll be posting in my blog ang problema at ang advice ko. pwede ding tumulong ang iba sa pamamagitan ng comments. ok ba? :]
ABOUT RAMDAM KITA BLOG
ang ramdam kita blog ay nag umpisa noong september 7, 2oo9.
rayne ang pangalan ng may ari nito.
bakit nga ba ramdam kita ang pangalan ng blog na ito?
UNA.
dahil naalala ko si Mar Roxas ng sabihin sa kanya ng mga tao ang problema nila
PANGALAWA.
GUSTO KO LANG. bakit ba?
alam kong may pagkaewan ako mag advice pero dahil sa wala akong magawa, naisipan kong gawin itong hobby. [lol. hobbby?]
`wag niyo na lang ako pakielaman, may toyo ako e. haha. so ayun.. i just wanted to help.
isang bagay din pala ang nag udyok [watta word] sa akin na gumawa ng ganito.
heart broken ako.
gusto kong maaliw, gusto kong may ginagawa dahil sa tuwing wala akong magawa, naiisip ko siya. kaya sana, tulungan niyo ako. :] magtulungan tayoo~ :)
Saturday, January 9, 2010, 12:17 PM
against si mama
   i have a boyfrend but my mother dont want me to have that relationship, i love the guy but what im going to do? lyzel. bakit daw ba ayaw? kung mahal mo talaga siya... eh di secret on? ahaha. mahirap pero kung mahal niyo isa`t isa kakayanin niyo `yun. at dapat galingan mo pag aaral mo para walang masabi mama kung malaman man niya. atleast aprang inspiration. `yung ganun :> Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Thursday, December 31, 2009, 4:20 PM
paano ka magmahal?
Rayne! Wag na wag mo ako papangalanan dito. Hahaha! Gusto ko itry ang RAMDAM KITA eh. Pers time ko toh eh. Ano ba pwede ko itanong? Oh well, sa nakikita mo namang tag ay about sa pag-ibig. To start of. EHEM. Haha. Eto..
Paano ka magmahal? Problema ko toh mtagal na, madami na din akong tao na natanong pero d ko alam, may sagot akong gusto marinig na di ko pa naririnig eh. HAHA. Bakit nasasabe ng tao na may tamang panahon, tamang lugar sa pagmamahal eh pano kung ang tamang tao na yun na pinaglalaanan mo ng tamang panahon at tamang lugar eh wala na? Paano na yun mangyayare?
Yan muna. Saka ako bumalik. HAHAHA.
Nagmamahal, AKO. :P
ako. unang una. nagulat ako kasi may nakakaalala pa din pala dito sa ramdam kita. kinilig tuloy ako bigla. :> paano ako magmahal? sa totoo lang, hindi ako marunong. haha. lol. mapride kasi akong tao kaya parang ang hirap para sa akin na nagmahal na nga talaga ako. ganun, pag nagmahal ako--humihina ako. lol. kung dati dati sinasabi ko (ang hina niyo naman nagmamahal pa kasi e) ngayon parang nalaman ko na din na mahirap pala talaga magmahal. hahaha. puro heartaches pero minsan masaya kasi parang nakakatuwang maramdaman na may nagmamahal sa`yo. `yung ganun ba. teka. ano ba `yung gusto mong marinig sa iba? baka ikaw na dapat `yung mag sagot sa sarili mo n`yan. di ba? dun sa tamang panahon, tamang lugar at tamang tao. kasi ganito `yan. tamang panahon.. minsan kasi di ba `yung isang tao hindi pwede magkaroon ng kahit na anong commitment. kunwari may bf/gf `yung iba. di ba? wala sa tamang panahon? sa tamang lugar, kasi long distance relationship. `yung mga ganun ba. tapos kung wala na `yung tamang tao kahit na andyan na ang tamang panahon at lugar, ibig sabihin.. hindi siya ang tamang tao. :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Tuesday, December 22, 2009, 10:36 AM
pa ba?
wow. antagal ko na palang hindi nakakapaglabas ng sama ng loob sa ramdamkita. HAHA. just get prepared 'cause this will be Looooooooong. hehehe. oh well... here goes. hehe.
Sa sobrang ingay ko sa mga GMs ko, malamang e alam mo na rin naman ang laman nito. hehe. yung walang kwentang naganap nung christmas party namin last Dec. 18. hahaha. nakakatawa.
dahil ang mga seniors ay masyadong aligaga sa buhay, epal kami ng epal ng mga kaibigan ko sa harap ng stage nung nanonood kami ng christmas program. Ang nag perform nung mga sandaling yun e yung ilang juniors kasama ang adviser nilang nakakatuwang sumayaw. isa sa mga juniors na yun e yung girlfriend ni ex ko. sa totoo lang, nakakainsecure panoorin yung girl na yun. hehe. anyway, hindi yun ang problema ko. hehe.
nung naglalakad na kami pabalik sa upuan ng mga seniors sa dulo ng CoCo, something caught my eye. oo, something. HAHA. Tumatawa siya at nasa gitna siya ng mga kaibigan niyang alumni rin ng school namin. nung marealize ko kung sino siya, iniwas ko agad yung tingin ko sakaniya at nanahimik na lang pagbalik ko sa seat namin. Pero bumulong ako kina P at K na nakita ko siya.
pagbalik namin sa classroom na nakalock pa ng mga sandaling yun, nakita ko naman siya sa tapat ng classroom ng mga juniors kasama yung girlfriend niya at ilang mga kaibigan. nanahimik lang din ako at di ko na lang pinansin. katabi kong nakasandal si david nun sa tabi ng pinto. maya-maya e napalibutan ako ng kalalakihan kaya umalis ako sa sinasandalan ko. hehe. teka nga, masyadong full details ang kwento. HAHAHAHA. fast forward ko na. hehe.
nung nasa classroom na kami... kumuha ako nun ng isang Baked Mac, Pancit Malabon, turon, yung pagkain na galing sa Conti's at coke para kainin. edi lamon naman ako ng lamon at enjoy na enjoy sa paglamon. HAHAHA. ngunit sa kalagitnaan ng aking paglamon, dahan-dahan akong napatingin sa table ng mga food, which i regretted that i did. Dahil nun ko nakita ang isang pair of eyes na nakatingin rin sakin. Yes, siya nga.
Umiwas ako agad ng tingin. as in yung obvious na iwas. at kumain na lang ng kumain. wahahaha. siniko ako nun ni P. sabi niya, "K, ex mo." tumango lang ako. hehehe.
maya-maya pa. nashock ako kasi biglang umupo si ex ko sa platform malapit sa inuupuan ko kung saan ako nakatingin nung umiwas ako ng tingin sakaniya. badtrip. sa pagkain ko na lang tuloy ako tumingin. maya-maya ulit, siniko ako ni P. sabi niya nakatingin daw sakin. ewan ko pero napangiti ako nun at kahit pinipigil ko yung ngiting yun e hindi ko napigilan.
kahit rin pinipigil ko yung sarili kong hindi tumingin sa taong yun e hindi ko rin napigilan. hehe. tinignan ko rin siya ng mga .000001 second. kung kaya't naverify kong nakatingin nga siya sakin.
yung tingin na yun... nalungkot ako. hehe. ganun kasi siya tumingin sakin NOON. sa tuwing inaasar niya ko. and i've always loved that look.
so... the problem is... naguguluhan ako. hehe. hindi ko na siguro maipamumukha sa sarili kong hindi ko na nga siya mahal kasi nung nakita ko yung tingin na yun alam kong di na ko makakapagsinungaling sa sarili ko. wahahaha.
ngayon nga, naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung bakit. kung bakit ganun yung "inasal" niya nung mga sandaling yun. hindi naman sa anu but for the past years after ng break-up namin, we treated each other like air. parang pag nagkakasalubong kami or dadaan sila samin or vice versa, "dadaan ka? edi dumaan ka." i mean, parang.. nakakapanibago.
naguguluhan ako mismo sa nararamdaman ko.
I've never really said this to anyone pero nung magbreak kami...nung maglet go ako sakaniya at sumubok magmove on... merong feeling na hindi pa tapos ang kwento namin. Feeling ko may mangyayari pa pero ayaw ko masyadong panghawakan yung feeling na yun. ayokong umasa.
anong gagawin ko? masanay na lang ulit sa feeling na 'to but never really got rid of this? tots. ngayon ko lang napansin. kayong apat na magbebesprens. P, K, S, and you. puro tatlong letters. HAHAHA. nakakatuwa :D so anyways... malay mo. kaya niya ginawa `yun e para naman wala nang ilangan. pwede din naman maging magkaibigan ang ex lovers di ba? hindi naman masama `yun di ba? kaya ka niya siguro tinignan ng ganun, `yung parang nang aasar para sabihin sa`yo na. "ok na ba tayo? bati na?" `yung ganun. para sa akin `yun ang pinapahiwatig niya sa tingin niyang `yun. bakit hindi mo siya kausapin? or itext? kasi base on my experience kuno. nagkaroon kami ng communication ng pers love ko. tapos nalaman ko na lang na, wala na pala akong nararamdaman sa kanya. `yung parang pwede ko na siyang biruin and such. dahil sa malapit na kami, siguro prens nga kami. ewan ko lang ah. `wag mo kasi iwasan tots, tulad ng mga movie na horror. di ba kapag may nagpaparamdam, `yung bida nilalapitan pa lalo para makita or marinig? `yung ganun. dapat maging matapang ka kahit na alam mong nakakatakot. gawin mong director ng buhay mo ang sarili mo, `yun lang :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Saturday, December 12, 2009, 3:38 PM
magmahal ng kaibigan
Ate,
Pwede bang mahalin mo iyong kaibigan mo na more than friend iyong turing mo...? I mean is mahalin mo siya di tulad ng pagmamahal niya sa iyo na pang-friend lang. Ayun lang po, Matagal na akong di nakakatambay dito eh. Thanks. yan. oo naman, pwedeng pwede. `yun nga lang, sa pag mamahal sa kaibigan mo nang mas higher level, pwede kang masaktan kasi kahit konting ngiti lang ng kaibigan mong `yun,bibigyan mo ng meaning. at kapag nalaman mo na iba ang gusto niya, sobra kang masasaktan. pero pwede mong mahalin, walang pipigil sa`yo pero kailangan lang mag ingat :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Tuesday, December 1, 2009, 7:04 PM
bestfriend o hindi?
Ate. May isang guy dati crush niya ako (alam ko iyon kasi sinabi niya iyon sa akin.) tapos ngayon boy friend na siya ng friend ko... One time.. Nung wala iyong girl sa classroom namin, tumabi siya sa akin. Tapos tinanong niya ako kung pwede daw niya akong maging best friend.. sabi ko hindi. Ilang bese niya tinatanong sa akin iyon. Lagi niya akong kinakausap kung wala iyong girl sa classroom. Next week, aalis iyong girl para mag-bakasyon.. so, sa tingin mo dapat ko siyang iwasan? Help. Thank you po. yan. hello!! namiss kita ah. HAHAHA. hmm. para sa akin, it depends. kasi malay mo friendship lang talaga ang gusto niya. `wag ka namang maging masungit. HAHA. pero kung sa tingin mo e parang umaabuso na `yung si lalake, eh di iwasan mo na lang. basta ba keep your feelings. `wag mong hayaang mafall or what ka dun sa lalake kasi nga friend mo `yung gf. :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Wednesday, November 11, 2009, 9:58 PM
asawa ko
dear ate rayne, 16 yrs old poh ako nkapag asawa pro 8months lng poh kmi nagsama at nagkahiwalay na dahil ayaw sakin ng pamilya nya kc bata pa ako at hndi ko pa alam ang tungkulin bilang asawa.sumama lng nman ako sa knya dhil tkot ako sa isang tao na narerelative pa nmin pnagtangkaan nya ako pro hndi ntuloy dhil dumating ang lola ko.wala po akong parents hndi ko pa cla nkita lola ko lng ngpalaki sakin hndi rin alam ng lola ko kung nsaan ang mga mgulang ko.ngayon po na hiwalay na kmi ng asawa ko nandito po ako sa manila at sya nman nsa province nmin nagkakatxt po kmi pro nbabalitaan ko na may nliligawan na sya ate rayne mhal na mhal ko pa ang asawa ko pro hndi ko na po nraramdaman na mhal pa nya ako dhil ako nlang po ang naghahabol sa knya anu po ba ang gagawin ko pra bumalik sya sakin?mrami nman po nanliligaw sakin pro walang nagseseryuso tingin nla sakin babaing kladkarin pro hndi po ako gnun.
angel. unang una.. `wag kang mag ate sa akin. ano ka baaa~ kaka16 ko lang ngayon ee. HAHAHA. tapos ayun... bakit ka babalik sa lalaking ayaw naman na ata sa`yo? ikaw na nagsabi na parang may nililigawan na siyang iba. kung mahal ka talaga nung asawa mo, hindi siya manliligaw sa ibang babae. tska... mag asawa kayo? ibig sabihin may kasal na naganap? ganun ba? may anak ba? or what? kung wala... magpakasaya ka. 16 ka pa lang. bata ka pa. marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. maging busy ka para makalimutan mo ng kaunti `yung nararamdaman mo para sa asawa mo. maraming nanliligaw sa`yo? bakit hindi mo piliin `yung lalaking sa tingin mo ay hindi ka babastusin. at paano mo naman nasabi na kaladkarin ka? dahil may asawa ka? `wag kang mag isip ng ganyan, bumababa kasi ang self esteem mo kapag ganun. dapat, sa mga oras na `to na wala kang karamay. tatagan mo ang loob mo, at kung magkita man kayo ng asawa mo. ipakita mo na kaya mo, na matatag ka at malakas na kaya mong mabuhay ng wala siya sa tabi mo. bata ka pa, marami pang pwedeng gawin. `wag mong ipaikot ang mundo mo sa lalaking ayaw na sa`yo :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
, 9:45 PM
takot dahil sa nakalipas...
dear ate rayne, marami poh nanliligaw sakin pro ntatakot poh ako !! mahal ko pa kc ang x ko pro wla pa kming formal break.ndi na po ako virgin may nangyari na samin ng x ko kya ntatakot ako bka wala ng mag seryusong lalaki sakin !! nkipag break poh ako sa knya sa phone lng dhil subrang siloso at minura nya ako kya ngalit ako pro mahal ko pa poh xa.1week na poh kming ndi nagkakatxt at ndi nagkikita !! pro ngayon nagpaparamdam xa sakin nagmimiscol ndi ko lng poh tnitxt.. tnitiis ko nlang poh.mhal ko prin xa pro gusto ko rin xang mkalimutan dhil plagi nlang ako nsasaktan pro ntatakot dn ako bka wala na mgseryusong lalaki sakin dhil ndi na ako virgin lalo na pag nlaman nla !.. anu kaya ang pwd kong gawin?
majores. para sa akin, kahit na mahal mo pa si bf, marami naman nang nanliligaw sa`yo di ba? ibig sabihin, marami ang nagkakagusto sa`yo. pwede ka pang mamili kung sino ang gusto mo. `wag kang matakot dahil sa hindi ka na virgin... `wag ka matakot na wala nang mag seseryoso sa`yo dahil nga sa nakaraan niyo ni ex. dahil kung gusto ka talaga ng manliligaw mo at mahal ka niya, handa niyang tanggapin kung ano man ang nakalipas mo. siguro nga ay mashoshock `yung pwedeng sagutin mo, pero tatanggapin niya `yun kung mahal ka talaga niya. kaya no worries. dun ka sa lalaking kayang tanggapin kung ano man nakalipas mo with your bf. `wag kang magpakamartyr sa bf mo. kailangan mo din namang sumaya di ba? :] Labels: love
Click for C0mment[s].
balik sa taas
Tagboard
want some help? talk to me. :]
|